Friday, December 20, 2019

'TIS THE SEASON



Holiday season nanaman
and take note,
'di lang to basta bastang holiday,
panahon ng kapaskuhan
at papasok nanaman ang panibagong taon.

Ito ang panahong hinihintay ng karamihan.
Bakit nga ba hindi?
E, ito ang panahong punung puno...

punung puno ng pagmamahalan
punung puno ng saya at ligaya
     ng matatamis na ngiti,
     nagniningning na mga mata,
     at naglalakasang tawanan
punung puno ng pagbibigayan
      ng mga regalo at aguinaldo
punung puno ng makukulay na disenyo,
     nagliliwanag na mga parol,
     nagtataasang mga Christmas Tree
punung puno ng ingay at buhay ang kapaligiran
     kwitis, fireworks at mga paingay
     kasama na dyan ang nga lata at kaldero
punung puno ng nagsasarapang pagkain
na 'di maitatanggi dahil sa nadadagdagang timbang.

Pero 'di lang dyan nagtatapos
dahil 'di ba ito rin ay panahong
punung puno ng kalat?
Hindi taong nagkalat sa daan ang ibig kong sabibin
kundi mga tunay na kalat,
MGA BASURA o nababasura.

Unahin na natin ang mga sobrang pagkain.
Mga pagkaing bago pa mapanis
ay maalala sana nating ibahagi
sa kanila na walang handa
o walang makain araw araw.
Wag rin nating kalilimutan
ang mga aso, pusa,
at iba pang hayop sa paligid.

Isunod natin dyan ang mga paputok at pailaw,
sadyang nakakaexcite at nakakaaliw,
kamanghamanghang panuorin.
Pero ganoon din ba ang pakiramdam natin
sa air pollution na dala nito?
O di kali'y sa mga stick at karton
na nagkalat sa daan
o bubong ng ating tahanan.

Pagsamasamahin na natin ang ibang kalat.
Mga kalat na sirang disenyo sa daan,
bakit kasi 'di marespeto at maingatan?
Mga kalat pagkayari ng mga parties
bakit nga ba ang hirap iligpit?
Hirap maging responsable o di kali'y tumulong?
Baka naman sadyang may katamaran?
Wag na lang magkalat para walang liligpitin.

Huli ay mga kalat galing sa regalo.
Mga sobre at ang pao
bakit hindi ingatan, itabi at gamitin muli?
Mga plastic na pambalot
sana'y hanggat maari'y iwasan.
Mga paper wrappers,
itapon ng maayos kung pupunitin,
isinop naman kung muli'y gagamitin.
Wag ng ibalot ang regalo ay pwede rin
nakakaexcite man ay panandalian din.
Minsan ang mismong regalo
ang siya mismong kalat,
wag ng magbigay kung ganon din
o ibigay sa iba
baka magamit pa.

Lahat ba ng nakasanayan
ay tama at ipagpapatuloy na?
Maliliit na bagay kung titingnan,
ngunit malaki at matagal ang epekto.

Ano nga ba ang ibig sabihin nitong panahong to?
Ano nga ba ang mahalaga?
Sana'y mahanap natin sa ating sarili, sa Kanya,
ang tunay na halaga ng mga selebrasyon ngayon.

Punung puno ng pagbabago
punung puno ng pagbangon
punung puno ng pagsulong

makamit sana natin
ngayong holiday na ito,
after all,
'tis the season.

💖💖💖

2 comments: